Why Preparing for Sudden Cancer Treatment Costs is Important?

Updated: Nov 8, 2021

Ito ang aking personal na karanasan na nagpa-realize sa akin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang Cancer Treatment Plan. Cancer is the leading cause of death especially for those approaching their 60s at hindi nakaligtas doon ang aking Ina. Nasa 49years old lamang siya noon nang nalaman namin na mayroon na siyang nararamdamang bukol sa kanyang katawan. Ilang taon lang ang lumipas, mabilis na nag-progress ito sa Stage IV cancer. Dahil wala naman kami pera pangpa-chemotherapy noong panahong iyon, sumulat ako sa mga kamag-anak ko para tulungan ang Mama ko sa pagpapagamot. Noong una, ayaw magpa-chemo ng Mama ko, dahil sa posibleng side effects nito at sinubukan niya ang alternative medicines. Nung time na willing na siya magpagamot, huli na at kumalat na ang cancer sa buo niyang katawan.


Hanggang sa huling sandali ng buhay niya, ang kapakanan namin ang iniisip niya. Gusto ko nang tumigil sa pag-aaral noon pero naramdaman ko lang na gusto pa rin niya akong makatapos. Malaking bahagi ito kaya napili kong maging isang Financial Advisor dahil alam ko na kahit hindi ko na mababalik ang buhay ng Mommy, marami pa akong buhay na pwedeng mabago. Kaya nang dumating ang pinakabagong health plan na ito ni Sun Life, nagkaroon ako lalo ng pag-asa na mas marami pang pwedeng matulungan ang plan na ito o magbago ang buhay.


Hindi ito isang garantiya na gagaling ang isang tao sa sakit kapag may pampagamot ito pero mas lalaki ang tsansya na humaba ang buhay ng isang tao kung meron siyang pondo o access sa gamutan, para mas makasama pa niya ang kaniyang pamilya ng mas matagal. At para sa akin, napakalaking bagay ang PAG-ASA na kayang ibigay nito sa isang tao na kahit magkasakit man, ganun sila kamahal ng Diyos na kahit papaano ay napaghandaan nila ito at may chance pa rin silang gumaling in God's grace. Kaya sana ay hayaan ninyong maging isa rin sa mga priorities ninyo ang pagkakaroon ng isang 'Health Protection Plan'. Abot-kayang pag-iipon, pero malaking tulong kung dumating man ang di inaasahan.





ABOUT:


See our latest Sun Life Insurance Products here!


Explore different Mutual Funds here!


To get started with Financial Planning, click here to get in touch with us!


Want to book a FREE Online Financial Consultation with us? Click here to get started!


Don’t have time to chat? Just leave your contact details here and we’ll be the one to contact you!


We’re happy to assist!


21 views0 comments