ย 

๐Ÿ• We Only Have a Limited Time! ๐Ÿ•





Ngayong araw ang booster dose ko para sa Covid-19 vaccine. Naalala ko yung isa sa mga aso na inaalagaan namin dahil nung nagtake ako ng 2nd dose ng vaccine, yun na pala yung huling araw niya dito sa mundo. Nabalitaan ko na maysakit siya nun at tinatawagan ako sa messenger call para makita ko daw siya, pero nung araw na yun, sinabi ko na busy ako. Yun pala, yun na sana yung pagkakataon na magkikita kami, kahit virtual lang pero di ko pa nabigay. Habang naghihintay din ako sa vaccine site, inuupdate ako na nanghihina na din siya. Hanggang sa sandaling yun, nagmatigas pa rin ako na makita siya. Iniisip ko nun, dapat hindi ako nasstress bago magpabakuna. Kinabukasan, napagdesisyunan kong puntahan na siya para kung sakaling yun na huling sandali niya, magkasama kami. Pero huli na ang lahat. Hindi ko man nakita o nahawakan siya dahil nailibing na siya kaagad. Mula nang college ako, nung mga panahong pakiramdam ko, mag-isa lang ako, nakasama ko na siya. Magkatabi kaming natutulog. At tuwang-tuwa siya kapag umuuwi ako. Kaya, kung nasaan ka man, pasensya ka na at di na tayo nagkita sa huling sandali ng buhay mo. Masaya ako maging parte ng buhay mo at naniniwala ako na darating ang panahon, magkakasama ulit tayo sa bagong buhay na ipagkakaloob satin. Yun yung na-realize ko, sometimes we hate to see the people we love die, but they would love to see us during the last moments of their lives. Kaya kung meron kang mga pangarap, simulan mo na, bilisan mo na matupad, hanggang kaya. Dahil hindi natin alam kung ilang panahon na lang ang nalalabi sa atin. Kung mabibili natin ang oras, mas magandang ilaan yun sa mga tao, hayop o kasama na nagmamahal satin. Di man natin mababalik ang panahon, mananatili ang masasayang ala-ala nating magkakasama.


ABOUT:


See our latest Sun Life Insurance Products here!


Explore different Mutual Funds here!


To get started with Financial Planning, click here to get in touch with us!


Want to book a FREE Online Financial Consultation with us? Click here to get started!


Donโ€™t have time to chat? Just leave your contact details here and weโ€™ll be the one to contact you!


Weโ€™re happy to assist!


3 views0 comments
ย