ย 

๐Ÿ’Œ My Open Letter to All Our Clients and Investors ๐Ÿ’Œ



Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkita at nagkausap ng matagal. At sa panahong ilang ulit sinusubukan ang ating katatagan. Hindi na ako magdadalawang-isip na sabihin ko sa inyo ang tunay kong nararamdaman. Sa halos mahigit isang taon na tayo ay naka-community quarantine, 2 beses nang nawalan ng mga mahal sa buhay ang inyong lingkod ng hindi man lang nabibigyan ng pagkakataon na sila ay aking makausap at mapasalamatan. At iyon ay lage kong ikinakatakot, na kapag dumating na ang panahon na kayo'y akin nang mababalikan, baka hindi na pala ako makakarating o baka wala na akong madaratnan. Kaya kahit sa ganitong paraan lang ay maipahatid ko sa inyo ang aking mensahe, nawa'y mabasa, marinig o mapanood niyo man lang ito dahil ayoko nang maulit yung hindi ko man masabi sa mga taong nagpakita ng kabutihan sa akin kung gaano ako nagpapasalamat. SALAMAT! Dahil sa inyo at sa Panginoon, 3 taon ko nang nakikita kung gaano kabuti ang Diyos sa atin, dahil nakilala ko kayo. Masaya ko kayong nakwentuhan kahit sa maigsing panahon lang. Masaya akong mai-share sa inyo ang mga munting biyayang dumarating sa buhay ko dahil malaking parte kayo noon. Maaga man akong nawalan ng magulang, binigyan naman ako ni Lord ng napakalaking pamilya. Ako'y isang simpleng Financial Advisor lamang, pero dahil sa inyo patuloy tayong nagsisikap, nagtitiyaga dahil naniniwala ako na darating ang araw, macecelebrate ulit natin ang mga birthday natin na magkakasama, makapagbibigayan tayo ng simpleng regalo taon-taon at makikilala natin ang mga bagong nadaragdag sa ating pamilya. Lahat ng pagod ay nawawala lalo na kapag may nakikilala akong katulad ninyo na nagtitiwala kahit hindi nyo pa ako masyadong kilala. Gaya nga ng lagi kong sinasabi na Diyos lang ang nakakaalam nang mangyayari sa atin, pero may isa akong hiling sa kanya, ang mas makasama ko pa kayo ng matagal, in sickness and in health, through thick and thin, so help us God. Sana po ay mas maipakilala rin ninyo ako sa mga kakilala ninyo para mas magampanan natin ng maigi ang ating misyon dito sa mundo habang may panahon at pagkakataon pa.


ABOUT:


See our latest Sun Life Insurance Products here!


Explore different Mutual Funds here!


To get started with Financial Planning, click here to get in touch with us!


Want to book a FREE Online Financial Consultation with us? Click here to get started!


Donโ€™t have time to chat? Just leave your contact details here and weโ€™ll be the one to contact you!


Weโ€™re happy to assist!


48 views0 comments
ย